Thursday, November 6, 2008

...I will remember you. Will you remember me?

I would always wonder if you have ever remember it was my birthday last 4th of November?

If you did, did you even greet me even if I could not hear it?

Do you still remember me? Think of me? or what you told me before you left?

Do you still love me?

or remember what you used to feel about me?

I was in a mess.

I didn't know I will ever be able to fix. I was so hoping you would call then, because I knew you are the only person in this world who can help me clear things out.


But there were no signs from you. It's OK. I understand. I know the situation. I just hope that I won't find myself in that situation again... But if faith played with me again, and if i happen to be in that difficult situation again...

I hope to feel your hands when I try to reach out for help,

or i'll never know if I will again find the right answer, or will I ever find the right way back to you.

Because it was so damn hard to be alone in that battle of confusion.

Friday, October 31, 2008

My almost BF, My newfound FRIEND

ALmost BF...

Itago nalang natin siya sa pangalang "TAZ".. he was my highschool crush who became my almost boyfriend nung college nako. Although never kaming naging mag classmates at hindi rin kami gaanong nagkaron ng mahabang panahon na maging close nung high school kami, hindi naman nawala yung communication namin till now. Thanks to cellphones.Pinsan siya ng kaibigan ko. Magkasing edad kami at mag ka-batch din kaya sabay kami grumaduate nung highschool. Nakilala ko siya patapos na ng 3rd year eh.. di ko na nga masyadong matandaan kung anong eksaktong pangyayari... basta pagdating nung 4th Yr magkatabi yung classroom namin. Bago ako makarating sa classroom namin mapapadaan muna ako sa classroom nila... hindi ko talaga siya ka-close.. kabatian pwede pa.. hindi rin siya popular..hindi matalino... (sorry tan!) at lalong hindi siya heartthrob. :) Basta nung mga highschool kami,isa siya sa mga estudyanteng lalaki na maganda magdala ng uniform... at neat looking.. kahit uwian na, maputi pa rin tingnan yung uniform niya. :) at mabait siya.. yun ang napansin ko... hindi ko alam kung kailan ko siya simulang nagustuhan.. siguro kasi napansin ko lagi niya akong tinitingnan.. hehe.. OO siguro yun ang umpisa hanggang naramdaman ko gusto ko na rin siya.. Ewan ganun kasi ako eh. I have plenty of crushes, everywhere I go I have crushes.hehe. Crush sa mababaw na kahulugan.. yung hindi nadedevelop.. yung crush na yun lalalim lang kung yung taong pinapatungkulan nun, ramdam ko gusto rin ako.. siguro kasi sa ganyang mga bagay realistic ang approach ko. Kung hindi ako gusto, bakit ko naman sasayangin yung panahon ko sa pag keep ng special feelings na yun kung hindi naman maii-reciprocate. Yes. Yung ganung klaseng feelings or love dapat nirereciprocate. Don't give me that crap about unconditional love.. bakit mag kamag-anak ba kayo?!?!?

Halos buong highschool life ko isa lang ang taong gusto ko...si Mark. Si Mark na nung gradeschool kami eh sobrang bully. Si Mark Na inis na inis ako dati kasi feeling ko masama ang ugali niya. Si Mark na nung mag highschool kami e full support saken sa speed typing sa aming computer class... Si Mark na kahit inaalipusta yung favorite kong basketball player na si vince Hizon e binibigyan din o pinapahiram naman ako ng magazine about Vince. Si Mark na kahiraman ko ng song hits.Si Mark na minsan kasabay namin maglakad pauwi pag hindi ako nakakasabay sa service... Si Mark... and dami ko rin palang memories kasama si Mark. Siguro kasi magkasama naman kasi kami bata pa lang kami...Si Mark na later on naging crush ko... ewan ko ba.. hindi ako sigurado kung gusto rin niya ao dati, pero maraming pagkakataon kasi dati na ganun yung ipinaramdam niya sa akin.. oh may naalala ako.. nung 1st yr at yun or 2nd yr nung nagsisimula ko pa lang siyang magustuhan.. nun kasing time na yun nag start na siyang mag mature.. naging gentleman.. naging humble.. tumalino.. naging mas patawa... me science trip kami sa something like "AERO SPACE" CHUVA na nakatayo dati sa tabi ng SPLASH ISLAND RESORT. During that time di pa ako sure kung crush ko talaga siya.. basta hindi pa full blown nung time na yun... after the trip me booth dun na pwedeng lagyan ng sticker na susulatan mo ng pangalan mo... meron kaming classmate na kilala na me crush sa kanya. She was new then. Transferee. Dun sa trip na yun almost all the time lagi lang kami magkasunod ni Mark, so nung marating namin yung booth for stickers halos sabay din kami.. I wasn't really that interested na ilagay yung name ko dun kasi wala naman ako hawak na sticker.. Tapos nagdatingan yung iba pa, dumating yung barkada barkadahan nung classmate namin na me crush sa kanya, so kantiyawan and all that, lahat kami andun sa loob ng parang tent na yun.. and then me extra stickers sila nakita na wala pa atang name.. sinabihan nila si mark na isulat yung mga names nila... sinulat naman ni Mark. And there was one empty sticker left. There he wrote HIS name and MINE. I was shocked Na happy kasi nun sinulat niya yun, sinulat niya as if bigla lang niyang naalala na yung name ko wala pa dun sa remembrance chuva na yun, na as if hindi niya intention na yung name naming dalawa yung magkasama sa isang sticker...Ewan ko kung sinadya niya.. yeah feeling ko sinadya niya..tsaka kung hindi niya sinadya, siguro ibang tao yung isasama niya diun sa name niya that time. magkaibigan din kami pero mas close siya dun sa ibang taong nasa loob din ng tent nayun..Kaya after that incident super crush ko na siya! :) and there were a lot of instances pa before na di ko na marecall ngayon eh.. basta madalas lang na nahuhuli ko siyang nakatingin, ganun... in a room full of people magkakatinginan kayong dalawa... at never niya akong tinukso dun sa isang friend niya na may crush daw saken simula grade five kami. Hehe. Natatandaan ko nun grade six kami may iniabot sa aking diskette yung isa kong classmate tapos tingnan ko daw yung... di ko maalala kung ako yung dapat tingnan.. basta meron dun na WLP. Which stands for Wilmar Loves Pia. Hehe. grade school nga naman.. :) Basta yun, I was almost certain, Mark liked me too. meron pa akong natatandaan na nag fo-floor wax kami ng room, malapit ako dun sa bintana na me grills, siyempre mga girls yung naghihirap at yung mga boys nakatambay muna habang nag fo-floor wax pa kasi ang trabaho nila is mag-bunot ng sahig para kumintab. Nun nag floor wax ako, napunta ako dun sa bintana na me grills, tapos pagtayo ko paharap sa labas , Si Mark pala yung nasa harap ko, nasa labas nga lang siya ng room at me pader na nakapagitan sa amin hanggang sa me tiyan ko then the rest grills na. Nakatayo ako dun, siya rin kaya magkaharap kami. me itinuro siya sa mukha ko.. Ipinasok niya yung kamay niya sa grills at hinawakan niya yung mukha ko. Yung parang pinadaan niya yung palm niya sa mukha ko.. yun.. wala lang, nag ngitian lang kami tapos kinunutan ko siya ng noo. Diko kasi maintindihan kung A. Maydumi ako sa Mukha B. Gusto niya akong inisin or C. Gusto niyang maglambing :) ano nga kaya?? Siguro A.. pero kasi wala naman siyang tinaggal na dumi eh... hmn...

Ang saya ng highschool ko. Punong puno ng kakiligan. HAHA! hanggang mag 4th year gusto ko si Mark. Pero ewan ko ba kung ano na ang nangyari. Nung time na yun napapansin ko na si TAZ. Kasi extra attention din naman yung binibigay sa akin nung isang yun eh. kahit di kami magkasama sa classroom, ipaparamdam at ipaparamdam niya sayo na medyo special ka.. ganun.. nung time na yun medyo nalilito nako sa binibigay na signals ni Mark. Yun bang minsan pakiramdam mo gusto ka niya, na kulang lang sabihin niya na gusto ka niya, minsan naman dadating sayo yung doubt kung gusto ka nga ba niya or over active lang ang imagination mo.. ganun.. it went on for a while din.. nahirapan ako kasi there were other girls involved. Siyempre nakakaselos ito, lalo pa yung iba e medyo expressive e ang lola niyo may pagka conservative. Hanggang tingin lang ang kayang gawin... dumating sa time na pinabayan ko na si Mark dun sa mga issues niya sa ibang girls kasi unti-unti ko ng napapansin si TAZ... medyo nagkakalapit na rin kami... so ang saya ng buhay... pero between the two, siyempre si mark yung mas gusto ko kasi sa tagal ng panahon na gusto ko siya, hindi naman siguro ganun kadaling mawala yun... pero yun nga dumating sa point na pinili ko na lang na itago siya. ilagay sa likod ng isip ko at bigyan ng konting attention itong pa cute na crush na onti-onti ko ng na fe-feel para dito kay TAZ.Then one day habang nag hihintay ng sunod na klase ng araw na yun, computer class ata yun... Mark seated beside me ata... Hindi ko na matandaan, basta that day he was extra attentive... extra attentive... parang bumili pa siya ng strawberry shake ata yun tapos ssabi niya share kami...diko sure a kung that day yun or what pero feeling ko ginawa niya yun nung araw na yun e. Basta that day, iba yung attention na binibigay niya saken... that day I was a bit surprised kasi yung kilig na ine-expect ko na maramdaman, hindi ko maramdaman. Ewan. Para bang kulang na... yun. Then the next day, umabsent ako... Yung sunod na araw na pumasok ako, nabalitaan ko official ng mag boyfriend sina Mark at Day na classmate ko din. I felt a bit shocked. But hurt? Surprisingly..NO. Shocked kasi I felt that there's something wrong somewhere... But I didn't make a big deal out of it kasi nga hindi naman ako affected talaga. Me naramdaman pa rin ako... a bit betrayed? ewan ko, siguro hindi yun ang tamang word para i describe kung ano yung naramdaman ko eh kasi sobrang strong nung salitang yun... pero whatever is the reason why Mark was extra attentive to me that day must have something to do with that. Naging sila right after that day.. Kung kelang absent ako. Oh well,si Mark lang ang nakakaalam nun... And narealize ko na kaya hindi ganun kalaki ang impact saken nung pangyayari na yun was because nalipat na kay TAZ yung feelings ko na dati binibigay ko lang kay Mark. Narealize ko kasi na ang taong 'to, hindi man magsalita at umamin na gusto ka, consistent naman. Si Mark, parang takot siyang malaman ng ibang tao na gusto niya ako. So minsan mararamdaman ko lalo na the way helooked at me, pero after that parang gagawa naman siya ng bagay na lilito sayo as if iba yung taong talagang gusto niya.. ganun.

Laking pasasalamat ko na rin nung time na yun kasi parang nasalba ako sa pain na mararamdaman ko if ever.. kasi sobrang gusto ko si Mark. Nung highschool ko naramdaman yung pag nakahiga ako tapos maisip ko lang na baka si ano naman talaga yung gusto niya.. parang biglang bibilis yung tibok ng puso ko na minsan parang masakit na sa katawan... kaya alam ko, kung until the time na maging sila ni Day e si Mark pa rin yung gusto ko, alam ko magiging masakit yun ng sobra para sa akin. All my friends were even extra gentle saken that day.. Kasi hindi ko pa nakwento sa kanila yung "nangyayari sa amin ni TAZ". So ala pa sila Idea na ibang tao na yung gusto ko. Kaya nung nikwento ko sa kanila, masaya sila at sabi nila napansin din daw nila na madalas nga siyang tumingin sa akin.

May pagkakataon na manghihiram si TAZ kay Meyce ng calculator, since ang upuan namin malapit sa bintana, dun na lang niya iniaabot yung calculator. Pag inabot niya yun habang nag te-thank you siya sa kaibigan ko, sa akin siya nakatingin...nakangiti... minsan nagdesign kami ng isang room sa Gradeschool Dept kasama ko si me-anne kasi yun ang natoka sa amin na responsibility, para yun sa Foundation day so gagawa kami ng horror booth. Kailangang takpan ng diyaryo yung buong room para dumilim, andun si TAZ kahit wala namn siya responsibility dun kase di naman kami magka-klase at tinutulungan kami sa pagdidikit ng mga dyaryo. Siya yung pinaakyat namin sa magkakapatong na silya para idikit yung dyaro na halos umabot na sa kisame ng classroom. Natatandaan ko tinawag niya si me-anne.. sabi niya "Otazu!" tapos me inabot siya... hehe ayaw niya ako utusan... MAHAL AKO NUN EH. :) Tapos ang inabot pala niya eh yung gunting na bakal kasi kailangan na niyang bumaba. And again inabot niya yun ng hindi nakatingin sa taong inaabutan niya kasi nakatingin na naman siya saken at nakangiti. Napangiti rin ako. Kasi naman, Yung kaibigan ko na inaabutan niya ng gunting eh walang kamalay malay na nanganganib pala ang buhay niya incase mabitawan ni TAZ ang gunting na hindi pa niya nahahawakan dahil sa ibang tao naman nakatingin.. which is saken. :) OH well. hehe basta masaya ako kahit sa mga simpleng bagay lang niya naiiparamdam nun na gusto niya ako... minsan tatambay lang yan sa tapat ng room pag P.E. class namin... basta visible lang lagi si TAZ nun... hindi siya nawawala sa paningin ko, kahit magkaiba naman kami ng schedule kasi nga hindi kami magka section.Yung email address ko na tazmaru_17 nabuo ko yun dahil sa kanya... madalas me nagtatanong saken bakit tazmaru, ang sasabihin ko na lang aksi favorite ko si Tazmanian devil eh. Hindi! Ang totoo TAZ kasi katunog yun ng last name niya na pag yung isang letter iniba mo ng ayos yun na mismo yung last name niya... at MARU kasi nakuha ko from the word maroon na katunog naman ng first name niya at number 17 na result pag pinag add mo ang 9 at 8. Yun kasi ang result sa love calculator na nauso sa school namin dati pag nilagay mo ang buong pangalan ko at ni TAZ and that is 98. Parang me mga pangyayari pa na dapat ilagay ko dito pero hindi ko maalala eh... masyado nang matagal...

Oo. masyadong mahabang panahon na nga ang lumipas since magtapos kami ng highschool. Imagine 16 lang ako ng matapos ako ng highschool. In a few days, I'll be 25.At hanggang ngayon wala pang something really really "BIG" or "maganda" na nagyayari sa akin... or maybe meron hindi ko lang mapansin kasi iba ang gusto ko...

Sa ngayon among all the people from my Highschool si Cookie, Meyce, Melissa lang ang talagang may constant akong communication.. and yeah si TAZ. Si me-anne kasi minsan lang.. Si shiena college pa lang me sariling buhay na at hindi na nagpakita sa amin. Siguro fault ko rin kasi pag me reunions hindi ako sumasama... Kasi nun nag college ako naiba talaga ang mundo ko eh. Hindi naman sa ako lang kasi ang nag-aral sa Manila, marami rin sa kanila ang ang-aral sa Manila, pero ako kasi Pusod talaga ng Manila ang lugar na pinag-aralan ko. Ibang-iba. Ang bilis ng takbo ng buhay. Parang lahat ng taong nakilala ko palaban sa buhay. lahat competitive kahit di naman talaga matalino. Medyo nahirapan ako mag adjust nung una pero nun tumagal nasanay na rin ako. naging busy sa pag aaral. Kaya ang friends ko talaga yung mga friends ko na nung nag-college ako at yung mga taong nakakausap ko pa rin hanggang ngayon. nalulungkot ako kasi Si meyce almost two years ago nagpunta ng Norway. Si cookie last August eksakto wala ako dito sa Pilipinas, pumunta ng Dubai. Yung 2 talagang yung ang kasama ko eh. Kaming 3 yung hindi nawalan ng communication ever at alam pa rin lahat ng nangyayari sa bawat isa.. si me-anne kagaya ng sinabi ko, minsan lang.. kadalasan out of coverage area. Si melissa usually nakakasama lang namin pag me pagtitipon or okasyon. Pero ngayon, ako na lang dito. At si Me-anne ay nananatiling cannot be reached. Si Melissa me sarili ng pamilya, tsaka ever since naman di nako nasanay na pumasyal sa kanila para lang makipag kwentuhan, siguro kasi kasama na dun yung ilang factor na baka pag punta ko dun eh nandun din si TAZ kasi nga magpinsan yung dalawang yun.Nalulungkot tuloy ako... at recently ang taong nag-iisang umaaliw sa akin ay si TAZ. Maliban kay Meyce at Cookie ito lang ang taong nag-iisang constant para sa akin pag dating sa Kaibigan...Laging nandyan.Hindi nawawala.

Hindi alam ni TAZ pero ang tawag ko sa kanya is MY ALMOST BF. Totoo naman, kasi nagsabi na siya sa akin tapos na kami ng highschool. Diko matandaan what year eh. Pero definitely not right after highschool... medyo matagal ang interval eh. Siguro ako, ugali ko na talaga na ayaw ko ng pormal na ligawan. Di kasi ako naniniwala sa ganun eh.Kasi ang mga lalaki, they really have the tendency to put their best foot forward, kasi nag papaimpress...diko masyadong ma-recall pero nun una nagpaparamdam lang si TAZ sa text... kaya nun time na yun si Meyce yung sobrang kilig na kilig sa amin. :) mas excited pa siya sa akin. Masaya rin ako. Although medyo matagal na panahon na yung lumipas bago siya nakapagtapat sa akin, still naaalala ko pa rin yung feelings ko sa kanya... kahit papaano me natitira pa... although siyempre hindi naman naging kami nun highschool at medyo matagal walang communication, tapos ako marami rin akong nakilala sa manila siyempre like I said yung gantong klaseng "feelings" dapat narereciprocate para hindi nawawala... dapat naaalagaan, para mag grow... yun yung nawala sa amin ni TAZ. so siguro nun time na sinabi niya sa akin, yung feelins na meron ako sa kanya, hindi na 100% pero meron pa rin. Kung ipaparamdam niya sa akin siguro maari pa namin marevive yun. Pwedeng bumalik sa dati yung sigla.. It went on for a while din eh. That time gusto ko na talaga siya pero parang kulang... at the same time parang natatakot akong sumubok... hindi ko alam. halo-halo. Parang gusto ko na ayaw ko. He stopped schooling. Diko matandaan what year sa college... naaalala ko I tried convincing him to go back to school.Hindi ko na matandaan yung eksaktong pangyayari eh, pero siguro nakadagdag yun why I was hesitant to bring our relationship to a higher level, siyempre bata pako nun, masyadong idealistic. Kung magiging kami gusto ko siyang ipakilala sa parents ko, pero ayoko naman na mapintasan siya kasi nga hindi siya nag-aaral... so i was hesitant talaga, aside from the fact na aaminin ko, hindi na ganun ka -intense yung nararamdaman ko sa kanya... basta dumating na lang sa point na tinapos ko na eh. Hindi ko matandaan how it happened, when it happened. How I said it or what I told him. Wala talaga ako maalala. Isa lang ang malinaw sa akin. Before mangayari yun atleast i was able to tell him na gusto ko rin naman siya... I just don't want him to feel bad na walang kinapuntahan na maganda yung amin. After that di ko na matandaan eh. Basta ang alam ko never ng nawala yung number niya sa phone book ko makailang palit man ako ng cellphone or simcards. Every now and then we still text each other.I think every christmas. although parang last christmas di yata kami nagbatian ah! :) can't recall...

The last time na nagkaron talaga kami ng chance na magkumustahan... I can't even remember. Basta dati nabalitaan ko me gf na xa.. then sunod na nabalitaan ko buntis gf niya... although wala ako nabalitaan na kinasal sila, pwede naman kasi sa huwes eh... Nun nanganak GF niya he was even asking me na mag ninang... gustong gusto ko siyang pagbigyan pero andun yung awkward na feeling eh... siguro sinabiohan niya ako mga 6 mos in advanced ganun, hindi naman ako outright na tumaggi but he knew I was feeling off about it. ewan ko. siguro kasi iniisip ko yung magiging kalagayan ko dun if ever.Most likely wala akong ibang kilala maliban sa kanya at kay Melissa.Yung asawa niya hindi rin ako kilala. Basta parang iniisip ko pa lang siya naiilang na ako. At the end hindi na niya ako kinulit or inulit yung invitation...

Na stop lang yung communication namin nun nagka baby sila. Ewan ko siguro kasi I was being sensitive lang sa kung anong pwedeng maramdaman nung girlfriend/asawa niya.. since hindi ko siya kilala hindi ko alam kung selosa siya or what. So I avoided replying from TAZ's texts. Occassional texts still happens pero yung kumustahan, yun ang wala.

There was one time though na kusa akong nagtext kay TAZ kasi inis na inis ako kay JAYSON. That time kasi we were not in good terms eh. Medyo me konting issue. So naisip ko kung wala siyang time para sa akin, I'll text someone else who always texts me back... so I texted TAZ. I told him na pasensiya na siya kung hindi ko nasasagot yung mga pangungumusta niya... saglit lang naman yung kumustahan namin kasi me pasok ako that night, so I had to say bye na agad. Then TAZ texted din nun nagtakataon na nasa Malaysia ako, I was thinking what to do, shall I ignore it or what? I decided to reply... bigla ko kasi naalala na the last time na kailangan ko ng kaibigan andun siya.. kahit hindi siya aware sa situation ko that time, he didn't let me down pa rin by texting me back. So I texted him back kahit 25 pesos ang halaga ng text that time dahil naka roaming ako. :) He said pasalubungan ko daw siya...

After siguro 1-2 weeks kong makabalik nag text ulit siya asking for his pasalubong... I was a bit surprised kasi di ko alam kung seryoso ba siya or what kasi kung seryoso siya..hehe patay. kasi la ako pasalubong for him. :)

nagreply lang ako ng "hehe"

na sinagot din niya ng "hehe ;) "

End.

Then one saturday, eksakto me problema ako sa pinadala kong sulat Kay Jayson, and during that day I was really at the point of giving up eh. Ala na kasi talaga akong magawa. That saturday TAZ texted again, and again asking for his pasalubong...I felt really low that day. Felt really sad. Anything that would destract me from thingking too much is verymuch welcome. Infact I told him that. I told him I was glad he texted, and that I really appreciate na naalala niya ako that day... for the firt time in years... I felt happy reconnecting with him. Simple. kwentuhan lang kami ng kahit ano. Since that day until the other day, We text everyday...


Every single day... which made me a bit comfortable. When we hit the 4th or 5th day mark, I started getting a bit uncomfortable about it. Lots of reasons. Again iniisip ko na naman kung anong maaring isipin ng asawa niya... naisip ko kasi kahit sinong babae wheather kaibigan lang talaga or hindi ng asawa niya yung laging tinitext, the fact na ang laki ng time na binibigay ng asawa niya para lang makatext yung taong yun eh magseselos. Kahit ako. Hindi naman siguro ako matutuwa na sobrang laking time yung binibigay ng asawa ko sa taong ito... sino ba siya?

Naisip ko rin na hindi ko alam what's going through his head. Bakit niya ginagawa 'to? I'd like to think na ginagawa niya yun para libangin ako... Na ginagawa niya yun as his own little way of helping me with my problem kahit di naman talaga niya alam eksakto kung ano. It was his own little way of helping me get through my boredom at the office.

Ok naman sana. Ok talaga kasi malaki talaga ang naitulong niya sa akin para ma divert yung attention ko... at the same time hindi na rin ako sobrang nalulungkot kasi I ahd no time for that. When i'm not working, we're texting naman. So wala talaga akong time para mag-isip pa kagaya dati. We talk just about anything lag naman. IN fainess kung mababasa nyo yung mga texts namin you won't even have a clue that these two people used to feel something special for each other. siguro parang silent agreement na rin namin yun. Basta we never talked about it. Anything that has something to do with "US" hindi namin pinag-uusapan. Although he was very vocal na gusto niya akong makita, na inaayawan ko naman. Again, hindi naman sa nilalagyan ko ng malisya yung ginagawa namin, infact para sa akin sobrang ganda nung relationship namin nagyon. Mas maganda pa dun sa dati. Pero if we go out ng kami lang, that would be recklesness on our part. Hindi dahil kailangan namin itago pero dapat hindi rin kami gumawa ng mga bagay na maaring magkaron ng maling interpretasyon sa mata ng ibang tao dahil pwedeng makarating yun sa asawa niya at makagulo pa sa relasyon nila... ayoko naman ng gulo. At lalong ayokong makasakit ng damdamin ng kapwa ko babae kaya yun ang iniiwasan ko...I don't have anyone to turn to kasi wala na ang mga kaibigan ko dito sa Binan. At sa ngayon si TAZ yung willing at laging nandyan lang.. kaya nga at the same time guilty rin ako sa hindi ko pag reply reply sa kanya dati.. infact tinanong niya ako about it, nag sabi naman ako ng totoo. Naintindihan naman niya. Pero sabi niya wala daw yun. Sana nga wala talaga sa asawa niya yun... kasi I wanna enjoy his company eh. Pero kung ang kapalit naman nun e gugulo sila, wag na lang...

Until maikwento ko sa friends ko sa office yung pangyayari na yun... ung uncomfortable feeling na minsan nararamdaman ko pa rin kahit binigyan ako ng assurance ni TAZ na ok lang daw naman na magkatext kami kasi kilala naman na daw ako ni wife niya... un dati maliit na percentage lang ng uneasiness. lumaki ng konti kasi sabi nila, medyo sobra sa normal... It was something na nararamdaman ko na rin pero hindi ko pinapansin. Hindi ko winewelcome yung ganung thought kasi makakagulo pa siya sa friendship namin eh. kasi pag naisip ko na ganun.. na baka si TAZ... I will be forced again to avoid him... na naipromised ko na sa sarili ko na hindi ko na uulitin na iwasan ulit siya eh.. pero kung ganun ang mangyayari... sabi ng mga ka officemates ko kasi posible raw na baka may feelings pa rin si TAZ... mawawalan ako ng choice but to avoid him again. Pero dahil suspetsa lang naman yung kanila wala naman ako magawa at the moment. Pero still bothered ako... kung pwede lang i-enjoy ko lang ng i-enjoy yung company niya ng walang complications. MInsan nga naiisip ko "bakit kasi nag-asawa agad eh?!?!? dami ko tuloy dapat i-consider.." hehe. jowk lang. siyempre me sarili naman siyang buhay noh. it's no as if nabuhay siya to keep me comapany lang. hehe. Pero totoo, minsan naiisip ko na kung hindi ganun yung situation niya ngayon siguro hindi ako ganto ka'bothered. Siguro kung girlfriend lang ang meron siya at hindi asawa siguro hindi ako ganto ka bothered.

Basta sa mga nakalipas na araw na lagi kaming mag katext mas lalo ko siya nakilala. Masaya ako. Ang mga kaibigan ko worried for me. Dumistansya raw ako ng konti kasi imposible daw na walang ma-fall sa amin kahit isa... inshort imposibleng hindi ako ma-fall ganun lalo na ksi dati ko naman na siyang gusto.. hehe. yung mga yun talaga loka-loka. Sabi ko sa kanila, hindi mangyayari yun kasi si jayson ang mahal ko. Kung dati nga hindi naging kami talaga kasi kulang yung nararamdaman ko para sa kanya ngayon pa kaya na may Jayson na ako at may Yhang na siya? Fine. I made my point clear. At last may peace of mind na sila.

Si TAZ i found out super maalalahanin. He'll check on you every morning at gabi. During the time na magkatext kami medyo nag start ako magdevelop ng Insomnia or ewan ko kung Insomnia nga yun, at the same time, parang buong Lingo rin na masama ang pakiramdam ko, siguro kasi sobrang stressed, not from work but from thinking too much. halo halong problems at yun ngang lack of sleep din.. minsan pag ka text mo yan mararamdaman mo yung concern niya sayo..

"uminom ka na agad ng gamot para hindi na lumala"
"wag ka ng pumasok bukas kung di mo kaya"

pagdating ng uwian kasi alam niya yung oras ng out ko eh..

"uwi ka na?"
"san ka na?"
"san ka na?"
"matulog ka na magpupuyat ka na naman"

kinabukasan..

"nakapasok ka ba?"

"nakatulog ka ba agad?"
"bakit naman nagpuyat ka na naman"
"uwi ka na at magpahinga na agad."
"matulog ka nga ng maaga."

minsan katext ko siya at sinasabihan akong matulog na, I had no choice at sabihin ang totoo na ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit...

"bakit nakapantalon ka pa?"
"anong oras na? magpalit ka na nga damit."
"ano bang ginagawa mo? magpalit ka na para diretsong tulog na."
"maaga ka matulog, hindi umaga. baka 2am na naman..."

Hehe. natatawa ako. Parang nagkaron ako ng another tatay. SAbi ko nga sa kanya hindi ko alam ganun siya ka istrikto, tinalo pa niya ang tatay ko. Biniro ko siya na yari si Migs (son) paglaki...


Ewan pero it's one of those things I enjoy that he does for me. Minsan naiinis din ako kasi it only remind me of what me and jayson didn't have. infairness naman kasi iba naman talaga yung situation namin ni Jayson. Siguro unang una nasa maturity... pangalawa yung situation namin.. kaya nga binigyan ko pa si Jay ng another chance kasi alam ko mag mamature pa siya.. at lahat na wala kami ngayon lahat ng short comings niya ngayon kaya niyang punuan someday...

OK na sana ang lahat. Friends kami ni Taz, at kagawa ng sinabi niya his wife doesn't mind. We're not doing anything wrong anyway. So everything was OK, ans I was really happy with it until the other night. The other day we hardly had the chance to text kasi his group went out of town.. Sta.Cruz ata, so nun magkatext kami ng umaga saglit lang. Nun nagbiyahe na sila siyempre busy na siya. Andito lang ako sa bahay nun for the whole day... Funny but I kept checking my phone. Diko na mabilang how many times... until he texted me around 9.30pm.
I asked him if nakauwi na ba siya? at kung sobrang busy nila? He said "hindi naman".. and he also said nakauwi na siya 7pm pa lang pero kailangan niya ipaayos yung motor kasi pudpud na yung gulong...blah blah blah. I felt something. I sent another message. Then his reply said na i-send ko ulit yung message ko...So i sent him a message. just like before, biniro ko siya na me importante pa naman akong sinabi dun. Sabi ko sa kanya na "ah ganun, binubura mo ng hindi mo binabasa ha. " Then he replied na nagbubura daw kasi si Yhang ng message eksakto pumasok yung message ko...

I felt another snap. I felt wierd. I felt sad. I felt cheated.I felt regret. I felt scared. I felt a whole lot of different emotions at the same time. I was shaking. I felt the energy going out of my body. Suddenly I felt so tired.

it took me a long time before I was able to send him another message. The very first message I sent void of any emotion.

It said "kaw naman di na nasanay saken. La ako sinabi"

then he texted me back with "hehe :)"

I replied with :)

he texted back with :)

I replied the Usmile.

Then he said "la ka na msabi no? :)" we used to do this smileys pag ala na masabi hanggang makaisip ulit kami ng another topic... but this night is different...

Again it took me a while to compose another message it said and again devoid of any emotion " hindi naman. hindi ko lang alam kung ano ang dapat sabihin"

Long Gap before he texted "nga pala yung nanligaw sayo nung college, pogi no?" nag dorm kaba sa manila?"

For some reason, I was unbale to get my enthusiasm back. I so totally lost it that night. and again it took me a long while to reply ng maikling maikling "yes to both questions". I dunno, i think his last question was so out of the topic na parang hinugot lang niya somewhere maka establish lang ng magandang conversation...Nice try. Apparently hindi ako ganun ka cooperative that night at masyado akong absorved sa nararamdaman ko...

Hindi ko alam kung may napansin siya... or kung kaya niya idifferentiate yung kaibahan ng unang mga texts ko that night after niya sabihin sa akin na "nabura kasi ni Yhang..." I have a feeling na OO. His last question told me so...

At siguro sa tagal ng reply ko nakatulog na siya.. hindo ko alam kung anong naiisip niya that night.. or kung anong iniisip niya why I was a bit different. Pero siguro nga naalangan siya kasi it was so unlikely na matulog na lang yun basta basta... kasi kahit antok na antok nagpapaalam yun eh... I was awake until 2am. 12MN pa lang me text na ako na naka prepare. It was a decision that I made without much thinking.

I will ask him not to text me with in the next 7 days... and that he can text me only after that. At promise ko re-replyan ko siya. Just 7 days. and again I reminded him to always take care of himself kasi may Migs na siya ngayon, hindi na lang yung sarili niya yung dala niya... Siyempre kinaumagahan tinanong niya ako kung bakit hindi siya pwede mag text... Told him I can't tell him why. That I need to think and refocus coz I think im in deep shit. and that I'll be fine after a week.

Im not sure if he understood that though or if he had any idead what I was going through...

Long gap. he said "kaw ang bahala.."

I said "thank you"

Then again.. damn, bakit ba kailangan maging ganun siya kamaalalahanin?!?!

"OK cge basta wag ka masyado magpupuyat. ingat lagi."

Ewan ko. I don't want to confront myself. Pero yung sudden emotion na naramdaman ko was a slap in the face na maling tao ang kinukuhanan ko ng suporta ngayon. That whole day na intay ako ng intay sa text niya unknowingly was enough to warn me that I might get too dependent on him. Baka masyado akong masanay... E wala naman siyang responsibilidad saken... He can stop anytime...baka pag dumating yung time na siya naman ang mawala... bumalik ako sa kung anong state ko nung time na dumating ulit si TAZ... baka this time pag siya naman ang nawala, kailanganin ko na naman ng suporta ng ibang tao...So 7 days. Im giving myself 7 days to recollect myself. After 7 days, I shoulf be able to face the world ng hindi umaasa sa ibang tao for my happiness... Bakit kailanganga maging gan'to ka complicated ang buhay ko eh gusto ko lang naman sumaya...

SCRAPBOOK

It feels like years already since my bad habit left... feels like a lot of things have happened already. Oh well a lot of things really have happened already. Una, nakilala ko si Boyet. Siya pala yung owner na hiniraman ni Jay ng phone nun nag text siya saken pagkarating na pagkarating niya sa Singapore.Sabi ni Boyet pagdating daw kasi ni Jayson, napansin niya palakad lakad..pabalik balik.. tinanong daw niya kung ano problema... Sabi daw ni Jayson, di pa daw niya nasasabi sa girlfriend niya na maayos silang nakadating...Hehe. natuwa ako nung umagang mareceived ko ang message niya.. Ala-una ng madaling araw niya ako tnext, pero siyempre tulog nako, kinaumagahan ko na nabasa.. sobrang natuwa ako kasi hindi ugali ni jayson ang makitext... mapriode kasi yun eh. Tapos That day nag text saken si Lindsey (ate ni jay) kinukumusta ako.. hehe.. ako nga daw ang iniisip nila... akala ko nag text din si Jay sa kanila yun pala ako lang yun tinext niya.. kaya ako na lang yung nag balita sa kanila.. Hehe.. Na tuwa naman ako na ako yung pinili niya na itext..

Boyet kept texting me eh. It was OK at first pero di rin kasi ako ganun kahilig mag text.. depende sa katext ko.. hehe. So I gave him my friend's number. Buti na lang mabait si friend ko at pinag bigyan niya ako na replyan si Boyet. Mejo kasi Broken hearted ang lolo mo... He was gone for 6 straight years... at yung GF niya e nalaman niya na nag-asawa na pag-balik niya. Sabi ko sa kanya baka naman nagkulang din siya.. Sabi niya everytime na dadaong sila tumatawag naman daw siya at laging nag papaliwanag kung bakit natagalan siyang tumawag ( we are talking about months here or half a year), pero ang kinakasakit ng loob niya e bakit hindisiya nahintay...

I told him na "hindi mo siya masisisi kung mag-mahal siya ng iba sa tagal mong nawala.. minsan kasi me makikilala talaga tayong tao na mamahalin natin e.. siguro ang tanging pag kakamali lang niya e hindi siya naging honest sayo.. kasi dapat out of respect sana ipinaalam muna niya sa'yo na may mahal na siyang iba bago siya nakipag relasyon."

Siyempre naisip ko rin ako at si Jay... are we going to end up just like that? or will we able to surpass all these? dati ang lagi kong tanong "Makaya kaya ni Jay?" Makaya kaya niya na iretain yung love?. There was never an instance that I asked myself that question. It was only Rose (an officemate) who said that I should also ask myself that question kasi sa aming dalawa daw ni Jayson most likely baka ako yung makahanap ng iba... kasi ako sobrang lawak ng mundo ko, where as yung kanila is confined with in the ship lang at pwede lang sila lumabas at makakilala ng iba pag mag do-dock na most likely di na ulit nila makikita pag alis nila... during that time there was no doubt in my mind that I cannot make it.

But now after being away for only roughly 2 mos with no communication at all... Im having second thoughts already. Hey don't get me wrong. Nothing's changed. I love him still. But I don't want commitment anymore...natakot ako na baka intayin ko siya tapos at the end malalaman ko that he fell out of love na pala... so naisip ko siguro mabuti na yung bigyang laya ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin, at kung pagbalik niya e mahal pa niya ako, eh di puntahan niya ako at tingnan namin kung pwede kami magsimula ulit...

Boyet left exactly a month after niya umuwi. I met up with him at nagpadala ako ng letter/scrapbook namin ni Jayson. It was very personal. YUng unang letter ko, ginawa ko yun without the intention na ipadala sa kanya... my officemataes were even threatening me na itago ko daw yun dahil nanakawin nila yun at ipapadala kay Jayson, hindi lang nila alam If only there was a way for me na ipadala ko yun, ipapadala ko nga.. buti na lang nabanggit ko kay boyet at pumayag siya na bitbitin papuntang singapore yung scrapbook. compilation yun ng mag pictures at letters na naipon ko sa araw-araw na ginawa ng diyos na lagi ko siyang namimiss... nag-include din ako ng basic meds at hehe maliit na nailcutter. :)

Then when Boyet got to Singapore iniwan niya yung scrapbook sa agency nila at ang agency daw ang magpapadala sa ibang bansa.. medyo magulo e. Nun andito pa si Boyet sabi niya posibleng magkasalubong yung barko nila ni jay so pwede niya maiabot. Pero his decision changed pag dating ng Singapore.. kasi yun ata ang advice nung mga tao sa agency... then probably a week later I decided to make an overseas call sa Singapore para lang maliwanagan ako kung ano ba talaga, and guess what parang lalong lumabo nung tumawag ako kasi sabi nung kausap ko, dun lang daw sa agency yung padala ko hanggang makabalik sina Jay sa Singapore.Teka! sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo? For two weeks I was trying to get hold of someone who can give me straight answer, during that time Boyet was already in Capetown South Africa, 2 days after Singapore they flew there. Andun pala yung barkong sasakyan nila... I called Boyet. Asked him the name of the person whom he handed the letter to. LIna. Lina is a tagalog speaking Singaporean. Called her up too many times I can't even recall how many. Basta ang alam ko lang pinag papasa pasahan nila ako. Pag tumawag ka kay Lina, she'll tell you she doesn't know anything about the letter and that I should check it at the office. Second to the last time we spoke she said that I call the office saturday at 2pm. Oh my finally... finally i got something out of her with sense! I called Saturday. Had to speak with few different Singaporeans who can't speak good english and who can't understand my English unless I speak like them. Great. Naranasan ko ang i-transfer ng i-transfer ng walang babala. Next thing you hear music on hold---that song from F4. I think during that time I got transferred to 4 different people. The last one spoke better english than the rest. But hey, she got no manners. She said she doesn;t know anything about the letter and that she'll have to speak with Lina first. I said "ok, but can I have your name so that I'll ask for you when I call back?". And again she told me that she'll have to speak with lina First. And again I asked for her name. Which again she didn't answer. One thing I couldn't understand was why she will have to speak with Lina first when all I want to know is if they have the letter or not. All I want is peace of mind that it is not lost. It was too personal and it belongs to no one else but Jayson.

I thought she just didn't undestand what I was saying so I repeated myself, before I was even able to finish, she was gone. She hung up on me only because probably she doesn't want to give me her name. Craziness. Iba talaga ang kultura nila. Ewan ko. after a couple of hours I decided calling Lina. I thought to myself na kung sa kanya inabot ni Boyet yun malamang siya lang yung makakasagot ng maayos saken. Called her up arounf 7pm Manila time which is the same time lang naman sa Singapore. She answered the phone. and again for the nth time I had to introduce myself and tell her the purpose of my call. Before I was able to finish my statement, she interrupted me and shouted "wala akong alam dyan sa sulat na yan. Marami akong ginagawa." and then GONE.

It is not fair to generalize this Idea but after speaking several times to quite a few of them, and they were all displaying the same attitude, would it be safe enough to say that it is their culture?

After 2 weeks of having to run around in circles by these crazy people is too much for me to handle. I cried. Nakakahiya man aminin pero napaiyak talaga ako sa sobrang frustration. After wasting so much money, texting, making phone calls.. pagkatapos kang paikot ikutin, hindi ka rin pala tutulungan at the end... Damn. Right after ko mapaiyak gusto ko ulit tawagan si Lina at murahin mula ulo hanggang paa. Putang Ina talaga! Right at that moment, I was wishing her Ill. Yun ang totoo. Im not trying to sugarcoat anything here or play like the most mabait person in the universe. I am mabait. Pero naman, tao lang ako... pagbigyan nyo nako.. that time feeling ko yuin lang yung makakagaan ng pakiramdam ko, pero pinigilan ko ang sarili ko kasi baka malagay sa alanganin sina jayson at mga tito niya...

After that nagpray na lang ako. Sabi ko "Lord kayo na bahala dun ah.." I gave up. I was so broke that time kasi all my saving went to the trip eh, and most of my allowance I've spent buying call cards.. sino naman ang hindi mapapaiyak nun? Pero yun nga finally, I gave it up. Naisip ko kasi, Lahat naman 'to nangyayari for a reason, and kung hindi man yung makuha ni jayson siguro may ibang plano si lord para dun.. At kung makuha man ni Jayson pero after matagal na panahon... there must be a reason behind that.. So i'm leaving everything to the Lord's hands. It's out of mycontrol na talaga e.And besides ginawa ko naman lahat to secure it e. Ewan ko ba that time din kasi halo-halong problema yung dumating saken e. It was that time din na nag sink-in saken yung sinasabi ng mga tao na "ah yang mga sea man maraming chicks yan".. blah blah blah.. at first I wasn't affected e. On the back of my head, "chics lang pala eh. Fleeting lang yun. Ako naman yung mahal eh".. Really. Ganun ako mag-isip. Ok lang kung me iba,basta wag niyang mamahalin.. ;)
kasi bata pa lang ako aware nako sa ganun eh. bata pa lang ako naririnig ko na yung ganun. Pero iba pala pag ikaw yung ivolved dun sa story... No matter how tough your resolve is pag walang communication... unti unti... matutunaw... mag kakaron ng doubt.. suddenly you're not sure anymore if both of you can make it...

Lahat ng worries ko naipon at lahat yun naramdaman ko nung time na yun. Naisip ko, wala kaming ganun katatag na
foundation ni Jay para malagpasan namin yung 3yrs na magkahiwalay.. Everything naiisip ko. Kaya yung scrapbook ko sobrang importante saken kasi feeling ko na basta mabasa niya yun, and if ever dumating kami sa time na parang di na namin kaya, naisip ko that the letter will be able to help us not to let go.. at kung hindi niya makukuha yun, paano na kami?

Pero ganun siguro talaga.. Si ate jovy na friend ni Boyet was willing to help me. She lives in Singapore. Pero bago ako humingi ng tulong sa kanya, yung friend ko muna na si "C" ang hiningan ko ng tulong. She said na i-email ko daw sa kanya ang detailed instructions na kailangan niya gawin. I did. I sent her emails. I messaged her through friendster. not just once but many times. I got no reply after 2-3 days I think. Then naisip ko, susubukan ko muna, maybe there are other ways.. So i emailed her told her to put everything on hold muna. Then the rest is history... pero minsan naisip ko kung willing talaga siyang tulungan ako, bakit kahit isa sa emails and messages ko hindi niya sinagot? Considering na araw-araw siya nag lo-login sa friendster means nababasa niya... kaya ko lang naman naisip na siya ang unang hingan ng tulong kasi akala ko maasahan ko siya eh... naisip ko babae rin siya, most likely maiintindihan niya ako kesa sa mga guys na kaibigan ko ako mag ask ng help.Kaya ko rin naisip na baka matulungan niya ako is because unlimited naman yung plan nun cell niya... so hindi naman siya magagastusan ng extra if ever. i was planning nga na mag send sa kanya ng money through western union kung magawan niya ng paran talaga.. pero until this very day wala man lang akong nareceived na message galing sa kanya. Kahit acknowledgement lang, wala. Oh well, now I know.Buti pa si ate jovy na hindi ko personal na kilala. ni hindi ko pa nakikita, willing mag extend ng tulong. I know maliit ang income ng tao na'to sa singapore. Wala sa one fourth ng kinikita ng friend ko na si "C", pero siya pa yung eager mag-offer ng tulong. Akala ko pa naman naging mas maganda yung friendship namin lalo na nun nagkitakita kami nun pumunta kami Singapore dati, yun pala kasi siguro wala lang... yun. hay in times or trouble malalaman mo talaga kung sino yung pwede mo maasahan eh ano?!?! sobrang liit na pabor... okay lang naman kasi me ibang tao naman na willing tumulong pero kasi pakiramdam ko napeke ako, Yun yun eh. yung pakiramdam na, mali pala ako ng pagkakakilala sa kanya. Akala ko kasi... sa takbo kasi ng kwento niya dati parang akala ko siya yung tipo ng tao na tutulong basta kaya, yun pala hindi. yun pala OK habang mag kaharap lang kayo.. Ang pangit. napaplastikan ako.